Wallet Inactivity & Maintenance Fee

Para manatiling active ang iyong Pay&Go Wallet, narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa wallet inactivity at sa maintenance fee na maaaring ma-charge.

1.Kailan magiging "Inactive" ang aking Pay&Go Wallet?

Magiging Inactive ang iyong Pay&Go Wallet kung wala kang anumang successful transaction (Cash In, Cash Out, o Bills Payment) sa loob ng 12 magkakasunod na buwan.

2. Ano ang mangyayari kapag naging Inactive ang aking Wallet?

Kapag naging Inactive ang iyong Wallet, maaaring magkaroon ng Maintenance Fee na hanggang PHP 25.00 kada buwan, na ibabawas sa iyong Wallet balance.

Huwag mag-alala, dahil may mga proteksyon ka:

  • Hindi magiging negative ang balance mo. Hindi ibabawas ang fee kung magiging mas mababa sa PHP 0.00 ang iyong Wallet balance.
  • Isang successful transaction lang, active ulit. Kapag nakapag-Cash In, Cash Out, o Bills Payment ka, awtomatikong magiging Active muli ang iyong Wallet at hihinto ang maintenance fee.
  • May paalala bago ma-charge. Kung posible, magpapadala kami ng SMS o email nang hindi bababa sa 30 araw bago ang unang maintenance fee para maabisuhan ka.

3. Paano ko maiiwasan ang Maintenance Fee?

Madali lang! Mag-transact sa kahit anong Pay&Go Machine na malapit sayo.


Para sa buong details, maaring basahin ang aming terms and conditions: https://btipayments.freshdesk.com/support/solutions/articles/63000289047-pay-go-terms-and-conditions